Even though we only have two seasons in Pinas, I always do my major cleaning and organizing in spring (April, May, or June). While organizing this year, I came across poems that I’ve clipped from newspapers and magazines as far back as 1990. I reread them, threw majority of them out, but managed to keep these two:
Huwag Kang Kukurap
Ni Manolito Castillo Sulit
Minsan, gusto mong isiping
madyikero ang pagkakataon.
Na ang sangbeses na pagtatagpo
sa burger house
ay mauuwi sa ganito.
At sasabihin mong sana’y
di na lumakad nang napakalayo
ang gayong sandali,
mula sa pagtanaw mo sa kanya
sa isang mesa
at sa pagitan ng subo at nguya
ay walang anumang sabing,
“Parang artista nung 1950s, ano?”
Hanggang doon na lamang sana
sa sandaling bahagya siyang umirap.
Subalit madyikero nga ang pagkakataon.
At gaya ng rabbit o kalapating
dinukot sa sombrero,
mamanghain ka ng lobo,
bulaklak, hanggang sa sandali’y
maging panyo
at panyo lamang.
Nagmamadaling mga Taludtod
(kay Abbey)
Ni Danilo R. Dela Cruz Jr.
Pinagbaga ng aking marubdob na pag-ibig
ang iyong talampakan,
at pumaimbulog kang
lapnos ang damdamin at isip
sa kalawakan ng walang katiyakang paglukso
ng mga gunitang para sa iyo, para sa akin,
gaano man ito kalupit.