For it seems we have longer summers now (because of global warming. Heh. I don’t know if this is cause for joy or not) and I have had several occasions last year and this year to visit some of our wonderful beaches (we’re so lucky we have some of the best beaches in the world!) and so I was able to close the last page to Latay sa Isipan: Mga Bagong Tulang Filipino (Cirilo Bautista, Allan Popa, eds. UST Publishing House, ‘07) only recently.
Reading beautiful poetry is like salve to a weary soul. Reading it near the sea--sparkling, radiant, endless sea-- is an experience (for me) that parallels no other.
Here are a few of my favorite selections in the book:
Excerpt from Ricardo Fernando III’s “Despidida”
Nagpaalam ka naman ngunit hindi ko inakalang
aalis ka ng bahay
sa gitna ng gabi habang ako’y natutulog sa
inaamag nating kama,
hindi ako nakapaghanda
sa biglaang paggaan ng aking tabi kaya’t tila
naalimpungatang
bumangon ako at nanaginip.
Excerpt from Sonia Gerilya’s “Bigat”
II
Sige. Gaaano ngayon kabigat
ang tadyang ko at balikat?
--dalawang pares na pambaba at pantaas
basa pa ang laylayan at manggas
--sabong panlaba sa karton ng gatas
--limang gatang na bigas
--duyang may pekas
--sampares na medyas
--kolgeyt at tutbras
--isang ream ng Silyab na bagong labas
--posas
--isang supot ng pasas
--malong na kupas
--dalawang lata ng sardinas
--kopya ng GaMas
--limang oras
--armas
--at ikaw, isang kasamang pantas.
Excerpt from Jerry B. Gracio’s “Silip”
Nakatutuwang isipin
na sa ating pinakapribadong gawain,
Nakabantay ang Diyos,
nakikinig, nakatingin, at oo,
maaari nating itigil ang romansahan,
ipagpaliban ang pagtatalik
sa ibang araw, at iwanang
bitin ang diyos.
Excerpt from Mayo Uno Martin’s “Masdan Mo ang mga Bata”
Inaabisuhan ko po ang lahat ng magiging ina:
Mag-ingat sapagkat ang dinadala sa sinapupunan
ang maghahatid sa inyo sa hukay.
Excerpt from Rosmon Tuazon’s “Salansan”
4
Biglang sinapian ng lula ang mga uwak.
Walang-hanggan silang nangalalaglag.
Hindi masasaklaw ng kuwadro ang lawak
ng taniman. Ngunit makukutuban ang panginginig
ng mga uhay--
inaakalang anumang padapo, pasalakay.
***
And here are two of Jun Lisondra’s poems in full:
“Nagpapaumanhin ang mga Kaluskos nilang Tinutungo ang Dawag”
Hindi magtatagal ang lahat
ng ito, aking panganay.
Nakabuslo sa puyo ni Aliguyon
ang mga nag-aamarilyong talahiban
ng Puncan, at dito sa kinatatayuan,
langhap natin ang nakaambang mga pangarap
sa anino nilang kinakanlong
ng malalayong gubat. Paano ko bang
ipasusukat sa iyo ang lalim ng halaga
ng kanilang awit, ng aming tula.
Humaharap sila sa ating mga hapag
tuwing gabi upang makidildiil sa ating asin.
Tinitimbang nila ang iyong mithi,
at pagkatapos, nag-iiwan sila sa atin
ng mga pangako at pasasalamat.
Nagpapaumanhin ang mga kaluskos
nilang tinutungo ang dawag. Hinaharap
kita habang iniilawan ng mga nagdaraang alitaptap
ang iyong mukha, at bago magtanong
ang mga mata, isang tapik ng pamamaalam
ang isinasagot ko sa iyong balikat.
“Patungo sa Matandang Pueblo”
Itinutulak
ng estrangherong dalagita
ang pedal paahon sa adobeng daan,
umiiwas sa lente ang batang
nakasilip sa pintuan
habang ako’y papalapit
sa kanilang casa roja.
Patungo sa matandang pueblo
itong mga paang nabato-balani
sa tayog ng mga antigong krus
sa Calle Real.
Nakatunghay
sa akin ngayon ang katotohanan
na winika ng isang pantas:
ibang hininga itong tumatagos
sa pagkatao tuwing nilalakbay
ang bayan ng iba. Sayang
at walang makakasama.
Naghahanap
itong aking palad
ng higpit, ng pisil. At ang dilang
sinusubuan nila ng banyagang palabra
ay nagnanais bumulong
sa iyong pisngi.
Kung
naririto ka lamang sana, makikiliti
kang malaman na sa pagbigkas,
ang tanging kinikilala ng Granada
ay ang katagang,
te amo,
sinta.
20 Junio 2005
Granada, Nicaragua